Saturday, July 14, 2012

Ang Musika at Ako


Hindi ako magaling kumanta, hindi ko rin pwedeng sabihing marunong ako haha, Pero inaamin ko na Bathroom Singer ako. Oo, adik ako sa music, lahat naman ata diba? haha.
Mahilig ako sa lumang kanta. May ibang kanta na sumikat noong panahon pa ng 80’s and 90’s pero hindi parin nalalaos, at hanggang ngayon ay kinahihiligan ko parin pakingan. Masarap lang pakinggan yung luma. Kalmado lang. Steady kumbaga! Chill lang! Iba ang lumang music, may mararamdaman kang passion sa kumakanta, may hugot sa puso, at may pagbibigay halaga sa salitang damdamin. Siguro dahil kokontii lang ang singers dati kaya magagaling sila. Ngayon kasi kahit “Boses Plemahin” bastasikat gagawan ng album. Susmaryosep haha!
Eto mga genre ng Music na kinahihiligan ko.
Rock at Alternative mahilig ako sa ganitong klaseng music. Hindi naman kasi ko minsan nagjajudge ng kanta base sa beat, sa ganda ng melody pero dahil gusto ko yung lyrics at meaning nung kanta.
Love songs Minsan feel na feel ko makinig kahit yung sinasabi nung kanta eh di ko pa naranasan. Masarap lang makinig minsan. Kahit Feeling lang haha.
Christian songs I’m Catholic! pero mahilig ako makinig ng songs ng Hillsongs United. Masarap lang talaga pakinggan kanta nila. Nakakainspire! Nakaka-goodvibes! Try nyo! Matutuwa si Papa God! Marami pang ibang songs na tungkol sa Faith at kay God ang kinahuhumalingan ko.
Pop, RNB, Hiphop Peyborit ko mga genre na toh! Nakakaboost ng energy. Nakakarelax. Kahit minsan di maganda ung lyrics pero maganda yung beat/melody solve solve na.
OPM. still OPM rocks! Tangkilikin ang sariling atin. Pero minsan nakakalungkot lang kasi madami ngayon artists gumagawa na lang ng revivals o cover ng ibang artists. Sana madami pa yung gumawa ng originals. Magaling ang mga Pinoy. We are all musically inclined. Kumbaga na sa atin dugo na yung love for music. Kahit anong emosyon, kahit anong sitwasyon meron kanta dyan ang Pinoy!
 Masyado lang malawak ang trip kung music sa buhay. Isa lang ang mahalaga para sa akin, ang music ay parang “Vitamins” ng buhay. Hindi ibig sabihing pag malungkot ang kanta ay malungkot din ang mood mo, minsan may mga mahahalagang mga pangyayari sa buhay natin ang ating naaalala dahil sa mga kanta. At dahil na rin sa mensahe ng kanta mismo.
Kahit minsan, hindi tayo iniwan ng musika, andiyan sila sa bawat gabing unan lang ang kasama, sa gabing sumisigaw ka sa buong mundo na masaya ka, andiyan siya sa bawat pagkikita ng magkaka-ibigan, sa lahat ng reunion, sa lahat ng family gathering at kahit sa mismong Kasal o sa Kamatayan. Sa bawat mahalagang parte ng buhay mo.

0 comments:

Post a Comment