Pangarap ni Pepe, tahanang maayos ang bubungan,
hindi yung tumutulo kapag umuulan
Pangarap ni Pepe, masustansiyang pagkain sa hapag-kainan,
hindi yung asin at mantika ang kadalasang inuulam
Pangarap ni Pepe, maayos at bagong kasuotan,
pandagdag sa mga damit niyang pinaglumaan
Pangarap ni Pepe, bag na may drawing na TRANSFORMERS sa likuran,
hindi yung punda ng kanyang unan
Pangarap ni Pepe, maubos agad ang tindang kandila at sampaguita,
upang makapaglaro din kahit sandali lang
Pangarap ni Pepe, ROBOT na laruan,
isasakay niya sa kanyang latang trak-trakan
Pangarap ni Pepe, ispageti at hambur-jer kanyang matikman
kahit minsan lang sa kanyang kaarawan

Ilang Pepe pa ba, ang nanakawan ng karapatan? Ilang Pepe pa ba ang hihimlay nang hindi man lang nasisilayan ang pag-asa para sa kanyang mga pangarap?
isa lang ang sagot dyan, dapat maging responsable ang mga magulang.
ReplyDelete